Bago kumain ay i-check ang labels. Kung hindi maiwasan na kumain ng fat, siguraduhin na “good fats” ito mula sa uri ng pagkain gaya ng fish, olive oil, nuts, avocado, at iba pa. Dahil ang mga nabanggit ay nagpapasaya ng iyong moods.
Pero kapag kumain ng dried na pagkain tulad ng pizza dough, cakes lalo na yung frosting nito, cookies, crackers, at iba ay inuugnay sa pinagmumulan o inaatake ng depression.
Hindi lang ito basta mayroong sugar kundi loaded pa ito ng 2 grams ng “trans fats”. Minsan na tinatawag na “partially hydrogenated oils” na hindi namamalayan na nati-trigger ng anxiety at depression.
Kung feeling low ang energy, tanungin ang sarili ano ba ang kinain mo? Para next time ay aware na ang nararamdamang anxiety ay galing din sa kung ano ang kinakain.