Pagpapakitang Gilas sa Brazil

Sa kultura ng mga Pinoy, ang mga batang lalaki ay pumipila tuwing summer upang magpatuli, bilang hudyat ng kanilang pagiging binata na pagpapakita na rin ng tapang sa pagpasok ng puberty stage.

Kung susunod ang mga bata sa tradisyonal na tuli, kailangan nang lakas ng loob at tibay ng dibdib dahil hindi biro ang dumaan sa proseso ng pokpok saka ngu­nguya ng dahon ng bayabas at tatalon sa ilog. Kahit pa sabihing surgery sa doktor ang tuli ay masakit din hanggang maghilom ang sugat ng mga bata sa kanilang ari.

Kakaiba naman ang initiation custom sa Brazil kung saan paano patutunayan ng batang lalaki ang kanilang katapangan at lakas.

Sa Satare Mawe tribe ay isang mahalagang events ang pagpapakitang gilas ng mga kabataang lalaki. Bale ba, hindi ganun kadali ang kanilang task.

Imagine, kailangang ipasok ng bata ang kanyang mga kamay sa isang basket na puno ng mga langgam. Hindi basta langgam kundi bullet ants na sinasabing pinakamasakit mangagat na ants sa buong mundo. Titiisin ng isang bata ang sobrang sakit mula sa kagat ng mabagsik na langgam upang patunayan lang na hindi siya sumusuko. Bilang pagpapasiklab na siya ay isang matapang na lalaki ng kanilang tribo.

Show comments