Sikat na sikat sa mga paslit tuwing nagtatakutan ang nilalang na kung tawagin ay manananggal, na nangunguha diumano ng mga bata. Pero hindi lang pala sa ‘Pinas makakakita ng ganito, pati na rin sa ibang bansa tulad ng Indonesia, Malaysia, at Thailand ay may sariling bersyon din ng nasabing nilalang.
Ang ungga-ungga o mas kilala sa tawag na wuwug sa Bohol ay kamag-anak ng manananggal na maihahalintulad ang deskripsyon sa Penanggal ng Thailand at Malaysia at Krasue naman sa Indonesia. Ang mga ito raw ay ordinaryong tao sa umaga, pero pagdating na ng takipsilim ay nag-iiba na rin ang anyo.
Kung ang manananggal sa atin ay ang katawan ang nahahati at naiiwan ang bewang at binti, ang ungga-ungga, penanggal, at krasue naman ay ulo lamang at mga lamang loob ang humihiwalay. Ang mga intestines nito ang nakakapagpalipad sa kanila at ang tunog nito ay para raw umiikot na electric fan.
Pawang buntis at bata raw ang madalas atakihin, at kapag malakas ang kanilang biktima, inililipad daw ito sa ere at saka ilalaglag o ‘di kaya ay papasukin ng buhok nilang kasing tigas ng wire ang mata, bibig, ilong, at tenga.