Kung hindi pa rin magkaanak sa natural sex na paraan aba eh, magpatulong ka na. Hindi kay kumpare kundi magpaabiso na sa inyong doktor tungkol sa siyensiya. Ang siste, nadadagdagan pa ang listahan sa paggamit ng sperm injection kung surrogate ang gamit ng egg at sperm ng mga magulang; sperm injection ng egg at sperm ng donors.
Bale ba, subukan din ang Cytoplasmic transfer. Ito yung pagkuha ng cytoplasm ng donor egg at isinasama sa single sperm ng male partner at bago i-inject ang donated cytoplasm at sperm sa egg.
Maaari ring ang Donor Embryos, ito ay dino-donate ng couples na sumailalim ng IVF na nakabuo ngunit hindi na kailangan ang na-fertilize na eggs.
Ang donated embryo ay inililipat sa recipient (magbubuntis). Ito ay para sa mga couples na parehong infertile ngunit nais makaranas ng pagbubuntis.