Nauubos ang oras natin sa kakaisip ng negatibo at nakakatakot na bagay sa ating buhay. Nag-aalala na baka magkamali, imbes na magpokus sa positibong bagay.
Kailangang i-train ang isipan na mag-move on sa tamang direksiyon. Kung ang laging atensiyon ay nakatuon sa madidilim at pangit na isyu, kailanman ay hindi tayo matututong lumaban.
Iniisip ng mga bata na ang mga multo, goblins, at monster ay totoo, pero ang mga adults alam nilang hindi ito totoo. Ganundin dapat ang atake na paniwalaan lamang kung ano ang tama.
Maging alerto kapag down o depress para i-correct agad ang sarili. Puwede namang mag-call a friend para mabaling ang gloomy feelings.
Para makawala sa blue moods at magkaroon ng more power ang isipan.