Marathon ng mag-ama
Nang ipanganak si Rick ay pumulupot ang umbilical cord sa katawan nito na nagresulta ng severe brain damage. Nang maging teenager si Rick ay nilagyan siya ng device na computer cursor sa gilid ng kanyang ulo. Ang unang na-type nito ay nag-request na tumakbo ng five-mile sa isang charity kasama ang kanyang tatay na si Dick.
Kahit 30 years old na si Dick ay tumakbo ito habang tulak-tulak ang anak. Pag-uwi ng bahay ay nag-type si Rick na nagsabing “Dad when we were running, it felt I wasn’t disable anymore.” Mula noon, lahat ng marathon ay sinalihan ng mag-ama. Nag-training si Dick ng marathon at triathlon na may passion para sa anak. Halos 20 years silang tumatakbo ng anak, hanggang sa gitna ng marathon ay nagkaroon ng mild heart attack si Dick. Sinabi ng doktor na puwedeng namatay na si Dick 15 years ago, pero dahil sa magandang kondisyon nito ay nakaligtas pa rin ito sa stroke. Pinasalamatan ni Dick ang kanyang anak, na nagturo hindi lang mag-invest ng love kundi maging sa kanyang kalusugan.
Hanggang ngayon ay tumatakbo pa rin ito tulak-tulak ang anak. Ito ay isang heroic achievement na ang tingin ay blessings ang anak sa kabila ng kalagayan nito.
- Latest