Ang mga naghihiwalay na magulang ay malaki ang negatibong epekto sa mga anak. Kumukulo ang dugo ng social workers kapag pinapipili ng mga magulang ang kanilang mga anak na tiyak ay walang mananalo sa larong tug-of-war ng pamilya.
Kung magkaiba na ang bahay nina tatay at nanay may mga bagay na hindi dapat sabihin sa harap ng mga nanak.
Huwag magba-badmouth sa dating asawa o kahit kaninong miyembro ng tahanan.
Huwag din mag-comment o ikumpara ang sitwasyon ng buhay ngayon.
Huwag sisisihin sa harap ng anak ang bagong pamilya ng magulang para lang sa financial pressure o emotional pain.
Yayayain ang anak, para ilayo sa kabilang magulang na naka-schedule ang dalaw.
Ayaw pakinggan ang masayang kuwento ng kabilang “tahanan”.
Ginagawang ma-guilty ang anak kapag masayang kasama ang dating partner.
Masakit ang tug-of-war ng magulang sa mga anak na nagkakaroon ng behavior problem ang mga bata sa extreme na sitwasyon. Para sa kapakanan ng mga bata, dapat gawin lahat ng magulang na makipag-ugnayan nang payapa para maging healthy pa rin ang ang buhay ng mga anak.