Paano magkaanak?
Kung hindi makuha sa natural sex ang pagkakaroon ng anak, maraming paraan para mag-anak.
Puwedeng mag-ampon. Pero kung may pera, makatutulong ang siyensiya.
Puwedeng magkaanak sa pamamagitan ng Artificial Incemination, In vitro insemination, Cytoplasmic transfer, Nuclear transfer, at cloning.
Kung matatandaan ang Artificial insemination na may tatlong paraan, ang una ay insemination ng sperm ng sariling asawa, ikalawa ay insemination ng donor sperm, at insemination ng egg at sperm donors sa surrogate mother at ang In vitro fertilization (IVF).
Ang invitro ay may iba’t ibang paraan pa. Ito ay ang mga sumusunod:
In vitro fertilization (IVF)— Gamit ang egg at sperm ng mga magulang.
IVF na Intra-Cytoplasmic Sperm Injection (ICSI)
IVF ng frozen embryos
IVF na Preimplantation Genetic Diagnosis (PGD)
IVF na may egg donor
IVF na may sperm donor
IVF na may egg at sperm donor
IVF na may surrogate gamit ang egg at sperm ng mga magulang
IVF na may surrogate at egg donor
IVF na may surrogate at sperm donor
IVF na may surrogate gamit ang egg at sperm na mga magulang egg
IVF na may surrogate gamit ang egg at sperm donors. (Itutuloy)
- Latest