Madalas ang mga kaibigan ang unang nakakapansin o nakakaalam kung ang isang tao ay may pinagdaraanang problema. Ang indibidwal na nag-aalala sa pagbabago ng kanilang moods, pag-iisip, at behavior kung sakali magsabi sa kanilang BFF. Ang kaibigan ay puwedeng gawing support system para matulungan ang tao na maharap ang isyu.
Pero mahirap din sa side ng taong may anxiety at depression kahit mayroon siyang close friends. Nag-aalala ito na kapag nag-open siya sa kaibigan ay baka maapektuhan ang kanilang friendship. Baka isipin na nag-o-over acting siya. Baka i-wish ng friend niya na sana ay lumipas na ang nararamdaman nito. Baka magalit o masaktan kapag nalaman na kakaiba ang kanyang behavior. Nag-aala na baka iwan siya dahil sa kanyang sekreto. Hindi maintindihan kung anong gagawin sa isang sitwasyon. Nai-insecure kapag pinag-uusapan kanyang sarili o kung ano ang kanyang nararamdaman. Feeling bad kapag pupunta sa social na okasyon na mag-isa na lamang, na dati ay dalawa silang magkasama.
Kung mayroong kaibigan na may matinding depression ay kausapin at makinig sa kanila, pero huwag silang husgahan. Dahil hindi ito makatutulong, kundi feeling nila ay walang nakakaintindi sa kanila.