^

Para Malibang

Pangalawang Anino (421)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

PINARUSAHAN ng hari ng kadiliman ang kanyang anak. Ginawa itong baboy ramo.

“Amaaaa! Huwag kang tarantado, huwag namang ganito!” Ngumawang parang baboy ramo si “Daniele”.

“Sige nga, subukan mong ligawan ang Nanette na’yon sa ganyan mong itsura.”

“Wala akong balak manligaw kahit kanino!”

“Siyanga ba?”

“Gusto ko lang talaga siyang sirain!”

“Okay, ito ang usapan. Bibigyan kita ng apat na araw para tuluyan mong maakit si Nanette. Gawin mo siyang masama, kapag hindi nangyari de patayin mo na! Kundi ako ang papatay!”

Hindi nakasagot si “Daniele”.

Alam niyang kapag sinabi ng kanyang ama, hindi lang ito banta.

Kundi talagang mangyayari.

Pero kampante naman ang prinsepe ng kadiliman. Dahil alam niyang dahil sa kabanalan ni Nanette, hindi tatalab sa dalaga ang kapangyarihan ng kanyang ama.

“Ako na ang bahala sa kanya. Kapag hindi ko nasaktan ang kanyang puso puwes, ipapakain ko siya sa isang libong daga.”

Biglang napangisi ang hari ng kadiliman. “What a lovely visual kapag nangyayari na ‘yan.”

“Ngayon, puwede bang bumalik na kayo sa kaharian o kaya sa Itom?”

“Ayos lang. Pero I’m watching you, kid!”

“Naaalibadbaran ako sa kaiingles ninyo!”

“Si Satanas man, sos­yal kung gugustuhin!” At biglang nawala ang hari ng kadiliman.

Namumroblema si “Daniele”.

Hindi na niya ma-imagine na pinapatay si Nanette ng kanyang ama. Iisa lang ang paraan. Paibigin na si Nanette. Pero kailangan niyang mag-freshen up. Ma­ging makisig. At kailangan din ng matitirhang hotel.

Itutuloy

PANGALAWANG ANINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with