^

Para Malibang

Ayaw Makipaghiwalay sa Boyfriend, Ikinulong ni Nanay ng 25 years

GRABE NA ‘TO - Pang-masa

Taong 1876 sa lugar ng Paris, na-inlove si Blanche Monnier, 25 taong gulang, sa isang mahirap na abogado. Maraming nanliligaw sa dalaga, pero siya lang ang nakabihag sa puso nito. Ayaw ng nanay niya sa nobyo kaya naman nagalit ito at pinapili siya.

Magpapakasal na sana sila ng nasabing lalaki pero hindi sumipot si Blanche at bigla na lamang naglaho ang dalaga na parang bula. Ipinagluksa ng nanay at kapatid niya ang nangyari at nagpatuloy sa kani-kanilang buhay.

Taong 1901, isang mis­teryosong sulat ang dumating sa mga opisyal ng Paris na may kinalaman sa dalaga, agad nila itong pinuntahan at inimbestigahan. Pinasok nila ang sariling bahay ng nanay ng dalaga at binuksan ang isang silid na mayroong nakakasulasok na amoy. Tumambad sa kanila ang babaeng walang saplot, napakapayat at halos sari­ling dumi na ang kinakain. Agad dinampot ang nanay ng dalaga at namatay kalaunan sa kulungan 15 days matapos niyang ilahad ang ginawa sa anak. Ayaw nito diumano na makasal ang anak sa mahirap lamang. Nagpatuloy ang pagpapahirap niya sa anak ng 25 years hanggang sa mamatay ang nobyo nito taong 1885 na walang kaalam-alam. Hindi na muli pang naibalik ni Blanche ang sariling katinuan, pero nanatili pa rin sa kanyang puso ang nobyo. Taong 1913 nang bawian ng buhay ang dalaga sa isang sanitarium sa France.

BLANCHE MONNIER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with