Paano Maiiwasan ang Body Odor?
Labhang mabuti ang mga damit - Labhan ang mga damit na ginamit na. Gumamit ng detergent na maasahan upang makatiyak na malilinis nang mabuti ang mga damit. Hanggat maaari, huwag nang umulit ng damit lalo na kung ito ay napagpawisan na sapagkat dito rin nagsisimula ang pagkakaroon ng mabahong amoy ng katawan.
Panatilihing malinis ang sarili - Ang pagiging malinis sa sarili ang pangunahing paraan para maiwasan ang mabahong amoy ng katawan. Gawin nang regular ang paliligo, lalo na kung mainit ang panahon o kaya ay nagpapapawis sa paglalaro ng sports o pag-eehersisyo. Tiyakin din na masasabon nang maayos ang buong katawan lalo na sa kili-kili. Uminom din ng 10-12 baso ng tubig araw-araw.
Gumamit ng tawas - Pagkatapos maligo, gumamit ng deodorant nang maiwasan din ang pagkakaroon ng amoy sa katawan. Maaring gumamit ng tawas o iba pang produkto na mabibili sa mga pamilihan. Mabisa rin ang baking soda kung gagamitin ito nang tama.
Iwasan ang mga pagkaing may matapang na lasa - Ang mga pagkain na may matapang na lasa gaya ng mga pampaanghang (halimbawa na ang sili, bawang, at sibuyas) ay isang dahilan din kung bakit nagkakaroon ng amoy ang katawan. Maaari kasing mapunta sa pawis ang amoy ng mga pagkaing ito at magdulot din ng body odor.
Source: Kalusugan.ph
- Latest