‘Di pangkaraniwan ang istilo ng pagkain ng gagamba na tinatawag na spitting spider.
Sa pangalan pa lang ay matutukoy mo na kung anong pamamaraan ang ginagamit ng nasabing gagamba.
“Spitting” o pandudura ang ginagawa nila sa mga insektong matitipuan nilang gawing panghapuan. Hindi sila kagaya ng pangkaraniwalang gagamba na hihintaying mabitag ang insekto ‘pag ito ay nakapasok sa kanilang sapot.
Bukod pa dito ay may poison glands din sila sa tiyan kaya tiyak na walang kawala ang kanilang inaasintang bitag.
Matatagpuan ang spitting spider sa buong mundo pero mas malaki ang populasyon nito sa Southern U.S.A.