Sixth sense ng mga kababaihan
Ang babae at lalaki ay laging nagbabago dahil sa hormone levels ganundin ang pagkakaiba ng function ng kanilang brains. Pero ang mga kababaihan ay partikular na vulnerable sa pagbabago ng hormone levels dahil laging nababarahan at nadudumihan mula sa kanilang monthly cycle. Ang reproductive system ng mga babae o buwang dalaw ang isa sa susi ng sobrang daloy ng hormones na apektado rin ang behavior ng mga ate.
Ang pagiging tamang hinala o kutob ng mga babae ay hindi lang galing sa kuwentong bayan. Ang totoo, paliwanag ng mga scientists ang mga kababaihan ay mayroong “sixth sense” na na-develop nang manganak at mag-alaga sa kanilang mga anak. Mahirap nga hulaan kung bakit umiiyak ang mga babies, sa pagtugon ay nadebelop ang intuition ng mga nanay kabaligtaran sa iniisip ng mga lalaki na maaaring gutom lang ang mga sanggol.
Kakaiba rin sumalakay o gumanti ang mga babae, kung ang mga lalaki kapag galit ay idinadaan sa physical violence, ibahin mag-express si ate ng kanyang ugali. Imbes na manapak gaya ng lalaki, kadalasan ginagamit ng mga babae ang kanilang utak sa mas diplomatikong paraan. Ang iba ay minamanipula o nakikipagnegosasyon para maayos ang gulo. O ‘di ba kakaiba at interesting kung paano mag-function ang mga brains ng mga babae.
- Latest