Sintomas ng Psoriasis

Ang psoriasis ay isang chronic skin condition dulot ng overactive immune system. Marami ang tinatamaan ng sakit na ito pero hindi sila dapat pandirihan dahil hindi ito nakakahawa.

Narito ang ilang sintomas ng psoriasis:

1. May patsi ng makati at nagbabalat na balat sa anit, tuhod, siko at upper body.

2. Umuumbok ang ibang bahagi ng balat na pinkish ang kulay at parang may puting kaliskis (nagbabalat).

3. Ang psoriasis sa kuko ay pangingitim at kumakapal.

4. Nagka-crack ang balat sa palad at namumula-mula.

5. Paninigas at pananakit ng joints.

6. Pag-iiba ng hitsura ng kuko lalo na sa dulo nito.

7. Hirap sa paggalaw nang maayos.

Show comments