Bakit Maanghang ang Sili?
Burp Fact
Bakit nga ba parang nasusunog o napapaso ang dila kapag kumakain ng maaanghang tulad ng sili? Saan nga ba nanggagaling ang anghang nito?
Ang pakiramdam kapag kumakain ng sili ay nanggagaling sa capsaicin. Ito ay isang colorless, odorless, chemical na matatagpuan sa sili.
Ang capsaicin ay may epekto sa ilang sensory neurons kung saan nililinlang ang ating katawan at pinalalabas na sinusunog ito o nakararamdam ng sobrang init kung saan ito nadikit.
Kahit ganito, marami pa rin ang enjoy sa pagkain ng sili para maanghangan. Napapasarap kasi ang kain kapag maanghang ang pagkain.
Marami ring benepisyo ang pagkain ng sili gaya ng pag-boost ng immune system. Burp!
Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa [email protected]
- Latest