Natututunan ng mga bata ang tamang ugali mula sa kanyang paligid. Kanino pa ba nila masasagap ang kanilang binibitawang salita at inaasal kundi mismo sa kanilang mga magulang, kaibigan, at classmates.
Ang unang dapat na ituro natin sa mga anak ay ang tamang pagtrato sa ibang tao, kung paano nila gustong tratuhin din ng classmates nila. Ang golden rule ay laging applicable sa lahat ng oras. Responsibilidad ng magulang na turuan ang anak na maging “kind” para mabuti rin ang isusukli ng kanilang kalaro at kaibigan.
Bigyan din sila ng option na puwede nilang i-unfriend ang mga taong hindi nila gusto sa kanilang social account, pero hindi dapat mawawala ang pagiging mabuti at pagpapakita ng kapwa-tao sa iba.