Mas mabisang pampadulas ng pintuan kesa grasa at langis
Pampadulas ang karaniwang problema sa mga pintuan lalo na kung tumutunog ito o ‘di kaya’y mahirap isara at buksan. Kadalasang ginagamit dito ang oil o grasa.
Pero alam n’yo ba na sa paggamit ng grasa o langis ay mas lalong nagkakaproblema rito?
Kapag gumamit kasi ng langis o grasa, ang nangyayari ay dinidikitan ito ng dumi at buhangin na kalaunan ay namumuo.
Ang pamumuo nito ang siyang nagiging dahilan kung bakit nag-i-stuck ang mga hinges maging ang susian sa doorknob.
Kaya naman ang kailangang gamitin ay graphite powder na nabibiling naka-tube.
Mas inirerekumenda ito lalo na sa mga doorknob para lalong hindi na mag-stuck ang susi sa susian.
Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto ay maraming paraan!
- Latest