^

Para Malibang

Restriksiyon ng bagahe

Mae Balbuena - Pang-masa

Hindi kailangang dalhin ang lahat ng gamit kapag bumibiyahe. Kadalasan hindi naman lahat ay nagagamit ang mga items. Kailangan lang ay i-organize ang mga simpleng option na travel size. Mahalaga ang volume ng luggage na tiyakin na may sapat pang space para sa mga bibilhin pabalik. Dalhin lamang ang mga importanteng bagay na kakailanganin at gagamitin. 

Restriction sa bagahe - Alamin ang mga bawal tungkol sa mga bagahe. I-check kung anu-ano ang bawal: na kung ilang kilo ang limit ng bagahe, kung may limit ang laki ng bagahe. Kung ano ang bawal at puwedeng i-hand-carry. May restriction sa liquid na puwedeng dalhin sa airlines. May pagkain din na bawal bitbitin at mayroon ding puwede. May bagay rin na puwede at hindi puwedeng isama sa bagaheng itse-check-in. 

Adaptors - Iba-iba ang saksakan sa ibang bansa kaya importanteng magdala ng adoptor. May nabibiling universal adoptor na magagamit saan man magpunta para ma-charge ang iyong mga gadgets. 

Scarf, sarong, at malong - Maraming gamit ang scarf, sarong, at malong.  Ang scarf ay puwedeng accessory, proteksiyon sa init ng araw, at panlaban sa lamig. Puwedeng gawing towel, bestida, pang-ibaba, at kumot ang sarong o malong. Marami ring gamit ang malong na kailangan lang maging creative.  

Extra bag/foldable bag - Hindi maiiwasan na siguradong may mga mapapamili na kung-anu-ano sa pagbibiyahe. Advisable na magdala ng extra na lalagyan na maganda yung natutupi na bag. Maaari rin itong magamit sa pamamasyal at pag-iikot.

Mas konti ang luggage, maiiwasan na magbayad ng sobrang timbang ng bitbit na bagahe.

 

BAGAHE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with