Sintomas ng gaming disorder
Opisyal nang inihayag ng World Health Organization (WHO) na ang pagkaadik sa computer games ay isa na ngayong disorder at kabilang na rin sa kanilang International Classification of Disease.
Narito ang ilang warning signs sa pagkakaroon ng gaming disorder:
1. Pagiging iritable at bugnutin kapag hindi nakakapaglaro.
2. Labis na pag-iisip ng nakaraang online activity at pag-iisip na ng gagawin sa susunod na pag-online at paglalaro.
3. Pagsisinungaling sa kaibigan o kapamilya tungkol sa tagal ng paglalaro.
4. Pag-iwas sa ibang tao para magkaroon ng mas maraming oras sa paglalaro.
5. Pagiging iritable kapag pinupuna ng ibang tao tungkol sa paglalaro.
6. Iniisip na agad ang online game pagkagising pa lang sa umaga.
7. Lalong nagtatagal sa paglalaro kahit pa negatibo na ang mga sinasabi ng mga taong nakapaligid.
- Latest