Maraming pagbabago sa katawan ng isang babae kapag sumailalim siya sa breast cancer treatment. Maaaring maiwasan ang emotional stress sa maraming paraan.
1. Ang pinakaunang pagbabagong makikita ay ang pagkatapyas o pagkawala ng buong suso. Maaaring gumamit ng external prostesis o magpa-breast reconstruction surgery.
2. Ang paglalagas din ng buhok ang isa sa epekto ng chemotheraphy o radiation. Maaaring magsuot ng wig, turban, o cap.
3. Kung gusto namang maging kalbo ay maglagay ng sunscreen sa ulo.
4. Isa rin sa nagiging epekto ay ang pamamaga ng braso. Kapag nangyari ito ay protektahan ang braso sa sikat ng araw at huwag magbubuhat ng mabibigat.
5. Maaaring mamayat sa pagsusuka, at kawalan ng gana sa pagkain. Kumain ng paunti-unti pero maraming beses sa maghapon.
6. Minsan ay bumibigat ang timbang ng mga nagbi-breast cancer treatment. Kumain ng maraming protein pero limitahan ang pagkain ng saturated fat, sugar, alcohol at asin.
7. Pamumula at panunuyot ng balat ang isa rin sa mga epekto. Iwasan ang paggamit ng detergent na may kulay at pampabango para maiwasan ang pagkairita lalo ng balat.