Dear Vanezza,
Hinahanap ng anak kong 10 years old ang daddy niya na ang sabi ko ay nasa ibang bansa. Pero ang totoo ay nakakulong dahil sa droga. Naiinggit ang anak ko sa mga kalaro at kaibigan niya na may tatay. Gusto ko nang sabihin sa anak ko ang totoo. Pero hindi ko siya maisasama sa kulungan dahil baka ma-trauma sa kalagayan ng daddy niya. Ano ba ang gagawin ko? – Mommy Dale
Dear Mommy Dale,
Hilingin sa iyong mister na sumulat sa iyong anak para maibsan ang pagka-miss nila sa isa’t isa. Magtanong sa psychologist ng maaaring gawin kung paano mo sasabihin sa anak ang totoo na nasa kulungan ang kanyang daddy.
Sumasainyo,
Vanezza