^

Para Malibang

Signs na Biktima ka ng Evil Eye Part 3

MGA SWERTENG DULOT NG NUMERO - Ms. ABH - Pang-masa

Ang tinatawag na evil eye ay negative thought waves na itinatapon sa iyo ng ibang tao na nagdudulot ng kamalasan at mabigat na sakit sa iyo. Ito ay hindi base sa pamahiin kundi sa scientific fact tungkol sa principle ng thought waves.

Karagdagang kaalaman tungkol sa evil eye : Minsan pala, ang evil eye ay naililipat sa ibang tao nang hindi sinasadya. Ito ‘yung tinatawag na usog. Kadalasan ay cute na sanggol ang biktima nito. Positibo naman ang bati, “Ang cute naman ng anak mo!” Pero ang problema, ang bumati ay gutom; pagod o kaya ay galing sa lamay ng patay o sa ospital o sadyang may dinadalang mabigat na problema ang nambati. May negative ener­gy sa katawan niya na hindi sinasadyang naipasa sa sanggol na mahina pa ang naturalesa. Ang resulta ay walang tigil na pag-iyak ng bata dahil may sumasakit sa kanya na kadalasan ay tiyan.

Ang nakakadiring re­medy ng mga makalumang matatanda ay nilalawa­yan ang bata sa tiyan para matanggal ang evil eye. Para maiwasan ang “pahid-laway”, kapag may bumati sa inyong anak, saluhin n’yo kaagad ang pambabati ng dayalog na “Pwera usog po!” Tapos pasimple kang magbuga ng hangin mula sa iyong bibig. Itutuloy

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with