Masakit na Pakikipagtalik (8)

Ayon sa www.emedicinehealth.com,  may iba’t ibang treatments ang sex pains depende sa dahilan nito. Kaya mahalagang ma-identify muna ang sanhi ng sex pain. 

Talakayin naman natin ngayon ang Vaginismus

Vaginismus: Ito ay ang kondisyong nahihirapan ang babae sa vaginal penetration, kabilang ang sexual intercourse, manual penetration pati na ang  penetration na ginagawa sa gynecological examinations (pap tests).

Ang paghilab ng ­mu­scles sa opening ng vagina ay maaaring  involun­tary response sa painful sti­muli. Ang pagsumpong na ito ay dahil sa ilang factors, kabilang ang masakit na intromission, nakaraang painful sexual experiences, sexual abuse, ang hindi pa nareresolbahang conflict ukol sa sexuality at fear o takot.

Para sa babaeng may vaginismus, maaaring sumailalim sa behavior therapy at makatutulong ang vaginal relaxation exercises.

- ITUTULOY

 

Show comments