Masakit na Pakikipagtalik (8)
Ayon sa www.emedicinehealth.com, may iba’t ibang treatments ang sex pains depende sa dahilan nito. Kaya mahalagang ma-identify muna ang sanhi ng sex pain.
Talakayin naman natin ngayon ang Vaginismus
Vaginismus: Ito ay ang kondisyong nahihirapan ang babae sa vaginal penetration, kabilang ang sexual intercourse, manual penetration pati na ang penetration na ginagawa sa gynecological examinations (pap tests).
Ang paghilab ng muscles sa opening ng vagina ay maaaring involuntary response sa painful stimuli. Ang pagsumpong na ito ay dahil sa ilang factors, kabilang ang masakit na intromission, nakaraang painful sexual experiences, sexual abuse, ang hindi pa nareresolbahang conflict ukol sa sexuality at fear o takot.
Para sa babaeng may vaginismus, maaaring sumailalim sa behavior therapy at makatutulong ang vaginal relaxation exercises.
- ITUTULOY
- Latest