^

Para Malibang

Tribal Mission

TINTA NG MASA - Pang-masa

Nagbigay ng inspiras­yon sa matagumpay na ka­tatapos ng National Student Convention kamakailan ang pagsali ng Heaven’s Eyes Tribal Mission Academy na ang mga estudyante ay mula sa tribo ng Batak.

Hindi nagpahuli ang mga kabataang katutubo dahil nanalo ang kanilang delegates ng second place sa Trio Female category na sina Angelica S. Hernando, Jufil A. Rodrigo, at Semaya D. Delos Angeles. Nagwagi rin sa Duet Male - 6th place sina Josiah A. Villanueva at Jerome S. Abucal. Maging sa sports event ng table tennis si Angelica S. Hernando na 6th place.

Delegates ng HETMA kasama ang Field Consultant ng ACE/SOT na sina Allan Rodrigo at Eric Veleso (magkabilang dulo), at Dr. Welthy E. Villanueva (pangalawa sa kanan).

Ang HETMA ay pi­na­­­ngungunahan ni Dr. Welthy E. Villanueva na school adminis­trator ng aca­demy kasama ang ibang staff na may pusong turuan ang mga katutubo gamit ang PACE  mula sa  School of Tomorrow System. Si Dr. Villanueva ay produkto rin SOT system na ngayon ay doktora rin sa tribo ng mga katutubong Batak.

Upang marating ang aca­demy ay kailangang tumawid ng isang ilog at sampung tawiran mula sa highway na nila­lakad ng 65 kms sa Bry. Bancao-bancao  Puerto Prince-sa City, Palawan.

Sa nais mag-abot ng donas­yon ay maaaring makipag-ugnay kay Dr. Welthy E. Villa-nueva sa mga # 0917 5460212, 0918 9651843, 09330257472 o mag-email sa [email protected] o [email protected].

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with