Feng Shui Toxin
Ang feng shui toxin ay negative energy na namumuo sa mga lumang furniture na matagal nang nakatayo in a fixed position sa isang lugar ng bahay. Ang feng shui toxin ay nagiging sanhi ng sakit.
Upholstered Sofa
Nagkakaroon ng feng shui toxin ang sulok ng sofa dahil dito naninikit ang libag ng seat cover. Ang lumang sofa ay dapat palitan ng bago o palitan ang seat cover. At least once a year, ilipat ang sala set sa ibang puwesto upang ang energy ay makaikot sa buong espasyo at manariwa.
Makakapal na Kurtina
Gustung-gusto ng negative energy na kumapit sa mga makakapal na kurtinang nananatiling nakasabit sa bintana at hindi nalalabhan nang matagal na panahon. Lalong nagiging matindi ang feng shui toxin kung ang bintanang kinalalagyan ng kurtina ay nananatiling nakasara.
Antique Furniture
Importanteng linisin ang energy ng antique furniture para alisin ang da-ting energy na naiwan ng previous owner. Asin, pine leaves at incense ang ginagamit upang ma-refresh ang energy ng antique furniture.
- Latest