Anak Hindi Mapatawad si Nanay

Dear Vanezza,

Hinayaan ni nanay na mamatay si tatay noong nasa UK ako. Hindi rin nilagyan ni nanay ng lapida ang libingan ng tatay ko kaya hanggang ngayon ay hindi namin makita ang puntod ng ama namin. Walang kapatawaran ang ginawa ng nanay ko ‘di ba? Kahit anong pilit ko ay hindi ko magawang mapatawad siya. – Lenlen

Dear Lenlen,

Ina mo pa rin siya. Kung anoman ang kanyang ginawa ay mananagot siya sa Dios. Maaaring hindi mo alam ang pinagdaanan ng iyong nanay habang wala ka sa piling nila.

Huwag hayaan na lamunin ka ng galit at tulu­yang kalimutan ang iyong ina.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments