Warning para maging alerto
Ang pagkakaroon ng positibong pananaw ang pinakamalakas na paraan para-ma-build ang self-confidence at labanan ang sariling multo.
Minsan ang nararamdaman nating akala ay tama, pero hindi naman pala. Yung tipong pinahihirapan ang sarili na nag-iisip agad ng conclusion tungkol sa motibo ng ibang tao. Ito ang pinanggagalingan ng problema na nagpapalungkot sa isang indibidwal na hindi rin patas para sa iba.
Dapat labanan ang negatibong pag-iisip at gamitan ng resonableng pag-iisip. Dahil kapag hindi na-combat ang negative thingking ay pagsisimulan ito ng stress. Kaya lang naman nai-stress ang tao ay dahil nati-threaten ng sitwasyon.
Ang solusyon ay dapat alamin ang sitwasyon na hindi sa stressful na paraan. Huwag takutin ang sarili dahil tataas ang level ng stress.
Pero may kaso talaga na may banta physically, socially, o sa ating career. Ang stress at emosyon ay early warning system para maging alerto sa mga nakakatakot na sitwasyon.
Ngunit huwag naman over acting na sa puntong hindi na nakikipagkaibigan o ‘di nakikisama sa ka-team members dahil sa maling akala sa ibang tao.
Dahil ang negatibong pag-iisip ay pinagmumulan ng lungkot at bumababa ang self-confidence. Imbes na magkaroon ng tamang pagkakaintindi sa isang sitwasyon.
- Latest