Para makatakas mula sa kontrol ng psychopath, tigilan at huwag nang magpadala o padaya sa pinapakita nitong loving mode.
Magpokus sa realidad ng tunay niyang pagkatao. Lumayo sa pagtangka nitong manipulahin ang iyong emosyon sa kanyang pagkakarinyo.
Bibigyan ka pa ng masarap na sex na parang addict na hahanap-hanapin lagi ang kanyang romansa. Pero ihuhulog ka lang niya sa kanyang magic spell na ang pakiramdam ay kailangan siya sa buhay mo.
Baguhin ang mind set, dahil sa likod ng kanyang paglalambing at napakatamis na pagmamahal ay hahawakan ka sa leeg na parang hindi ka mabubuhay na wala sa piling niya.
Lulunurin ka sa mga bulaklak, chocolates, pasalubong, at magpapa-impress na magpapakilalang 43 years old. Pero ang totoo ay 55 years old pala. Sasabihing graduate ng Bachelor’s Degree sa Engineering, yun pala high school dropout lang. Sinasabing binata, pero may asawa naman pala.
Kapag nabuking maghahanap ng mali sa misis at sisiraan para mabola ang partner. Pararamdam na mahal na mahal ka at ikaw ay napaka-special, pero ang totoo ang love ay wala sa kanilang bokabularyo. Gusto lang nilang laging may nabibiktima na wawasakin ang pagkatao inside at out.
Huwag sayangin ang oras, panahon, energy, at pera sa patibong ng mga psychopath. Putulin ang relasyon, sunugin, kalimutan, at mag-move on; hanggang sa unti-unting bumangon na makarekober sa iyong buhay.