Kung ikaw ay potato o coffee lover tulad ng marami, nakapanghihinayang na may bad news para sa iyo. Maliban lang kung regular na bumibili ng organic.
Ang mga root vegetable gaya ng patatas ay sumisipsip ng compounds sa ilalim ng lupa habang ito ay tumutubo at lumalaki. Ang halamang ugat ay nakabaon din sa mga herbicides, pesticides, at fungicides mga toxic na ginagamit na pang pataba o abono sa lupa at tanim na gulay. Ayon sa United States Department of Agriculture (USDA), halos 37 iba’t ibang pesticides ay nakikita sa karaniwang inaaning patatas. Pito sa nasabing bilang ay posibleng pinagmumulan ng kanser. Inaatake rin ang nervous system, at pinipinsala rin ang hormone. Ang masama ay nagkakaroon din ng epekto sa reproductive. Samantalang meron din ingredient sa kape na nakitaan ng pesticide Endosulfan na isang toxic na naaapektuhan ang brain.
May kamahalan man ang pagbili ng oraganic na kape o patatas, pero sigurado naman ang kalusugan. Huwag isaalang-alang ang health, kundi laging piliin ang pagbili ng oraganic na kape at patatas na enjoy na sa pagkain at pag-inom ay safe rin.