Iba’t ibang klase ng Sibuyas
BURP TIPS
Hindi nawawala ang sibuyas sa kusina ng bawat pamilyang Pinoy. Marami kasi ang gamit nito hindi lang sa pagluluto, dahil ginagamit din itong gamot, at pangontra sa kung saan-saan, kahit nga maligno. Hahaha!
Pero alam n’yo ba na marami ring klase ng sibuyas at binabagayan sa mga lutuin?
May limang klase ng sibuyas. Ang sweet onion o ‘yung malalaking klase at halos madilaw din ang kulay ang pinakamagandang iprito at gawing onion rings at iihaw para gawing side sa mga inihaw na pagkain.
Ang red onion na- man ang pinakamasarap kainin nang hilaw. Gi- nagamit din ito sa gua- camole, pickled onions, salad, at mga sandwich.
Ang white onion na- man ang pinakamalutong at may pinakamata- pang na lasa. Pinakabagay naman itong gamitin sa mga salsa at stir fry.
Ang yellow onion na parang mas maliit na version ng sweet onion ang all-around na ginagamit sa pagluluto. Pinakamainam itong gamitin sa mga karne, sauce, soup, at nilaga.
Ang pinakahuli ay ang shallot. Pinaka-maliliit ito sa klase ng sibuyas at may mild na lasa. Pinakamainam ‘tong gamitin sa vinai- grettes, at pang-garnish. Burp!
Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa burpnikoko@gmail. com
- Latest