^

Para Malibang

Private Parts ng mga Anak

PRODUKTIBO - Pang-masa

Ang lahat ng bata ay curious tungkol sa lahat ng bagay pati na ang sa maseselang bahagi ng katawan. Kapag nagkataon na nagtatanong ang mga anak ay bigyan agad ito ng pansin.

Kapag binalewala ang pagtatanong ng anak patungkol sa kanilang private parts ay mas higit itong nagiging mausisa.  Maaa­ring mapapasama pa ang hindi pagpansin sa kanilang pagtatanong dahil itinutulak itong magkaroon ng pakiramdam na mahiya tungkol sa kanilang katawan. Para bang hindi puwedeng pag-usapan na dapat sana ay bigyan ng paliwanag ayon sa kanilang edad.

Turuan ang anak na sabihin ang angkop na tawag o pangalan ng private parts. Huwag gumamit ng “pee-pee” o “pututoy”.  Turuan ang anak na lalaki na mayroong siyang penis. Ganundin sa anak na babae.  Importanteng malaman ng anak ang tamang pangalan ng private parts dahil maaaring  may mga sexual predators na gumamit ng pa cute na tawag  sa maseselang bahagi ng katawan para lang malinlang o utuin ang mga bata.  Kapag alam ng  bata ang accurate na tawag ay hindi sila malilito. Sabihin agad sa bata na ipaalam sa magulang kapag masakit ang kanilang private parts o kung may humipo o humawak nito ng hindi tama.

CURIOUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with