^

Para Malibang

Sobrang pagdighay

PITO-PITO - Pang-masa

Babala: Kumonsulta sa inyong doktor kung may allergies, kontra sa inyong maintenance na gamot, o kung angkop ang mga sumusunod na home remedy sa inyong kondisyon. Ang paggamit ng home remedies ay para lamang makatulong sa tamang lunas.

Dalawa ang main cause ng sobra-sobrang pagdidighay, una ay ang paglunok ng hangin habang kumakain at ang ikalawa ay ang mahinang digestion na nagreresulta ng overproduction ng gas sa digestive system. Normal lang ang pagdighay pero kung nadadalas ito ay magpakonsulta na sa inyong doktor. Narito ang ilang home remedy sa sobrang pagdighay.

1. Uminom ng ginger supplement pero kumonsulta muna sa doktor ang nararapat na dosage  na tutugma sa inyong kondisyon.

2. Magbabad ng dried peppermint leaves sa isang tasa ng mainit na tubig sa loob ng 10 minuto. Inumin ang tsaa 3 beses sa isang araw.

3.  Kumain ng ma­yayaman sa probiotic tulad ng Greek yogurt, kimchi, buttermilk, at pickles.

4. Uminom ng chamomile tea 3 beses sa isang araw.

5. Ngumuya ng kalahating kutsaritang anise seeds pagkatapos kumain.

6. Ngumuya ng 5 holy basil leaves tuwing umaga.

7. Iwasang kumain ng carbohydrate-rich foods tulad ng soft drinks, beer, red wine, gatas o kahit anong dairy products na may lactose, beans, prutas tulad ng saging, melon, peach, peras, prunes at hilaw na mansanas, itlog.

ALLERGIES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with