Banta ng Heatstroke

Ang  heatstroke ay isang  life-threatening emergency na maaaring maiwasan ngayong tag-init. Ang mga matatanda, bata, buntis, babaeng nagpapasuso ng baby, may sakit sa puso, mataas ang blood pressure, o may sakit sa baga ang mas mapa­nganib na tamaan ng heatstroke. Ngayong mainit ang panahon ay ugaliing uminom ng maraming tubig.  Huwag din kalimutang laging magdala ng tubig kung lalabas ng bahay. Magbitbit din ng payong, panyo, pamaypay, magsuot ng cap; at  hanggang maaari ay manatili sa malilim o shade. Kapag inabot na nang mataas na sikat ng araw ay iwasan muna ang sobrang activity tulad ng exercise at gardening. 

Sa sobrang init o heat stress,  kapag ang katawan ay dehydrated na nahihirapan itong mag-cool down; na mahirap din i-maintain ang healthy temperature. Kapag hindi naagapan ay maaaring  mapunta na ito sa heatstroke.

Ang heatstroke ay katulad din ng heat exhaustion, pero ang balat ay mas dry o tuyo na walang pawis dahil tumitigil ang function ng internal organs sa katawan sa sobrang init. Lumalala rin ang mental condition na nabubulol, nalilito, nahihilo, nasusuka, at ang iba ay hinihimatay dahil sa sobrang taas ng init ng body temperature. 

Maghinay-hinay, magpalamig,  at uminom din ng tubig kapag may time. Magsuot ng damit na malamig sa katawan. Para masiguradong iwas sa panganib ng heatstroke.

Show comments