^

Para Malibang

Acid Reflux

PITO-PITO - Pang-masa

Nagdudulot ang acid reflux ng heartburn, pagkahilo, maasim na lasa sa bibig, sore throat, dry cough at paninikip ng dibdib. Kapag nagtagal ang acid reflux ng mahigit sa dalawang linggo ay dapat nang komunsulta sa doktor.

1. Uminom ng pinag­halong 2 kutsaritang organic, raw, unfiltered apple cider vinegar, at isang tasa ng maligamgam na tubig 30 minuto bago kumain. Gawin ito sa loob ng ilang buwan.

2. Maghalo ng isang kutsarita ng baking soda at isang tasa ng tubig. Inumin ito para sa agarang pagginhawa ng pakiramdam.

3. Uminom ng ¼ tasa ng aloe vera juice 20 minuto bago kumain.

4. Ngumuya ng sugar-free chewing gum pagkatapos kumain para ma-neutralize ang mga stomach acid.

5. Kumain ng isang kutsarang plain yellow ­mustard para sa agarang pagginhawa ng pakiramdam. Pero hindi ito epek­tibo sa lahat, may epekto itong mas palalain ang heartburn sa ibang tao.

6. Ibabad magdamag sa apat na tasa ng tubig ang dalawang kutsarang pinatuyong ugat ng marshmallow. Salain kinabukasan at inumin ng ilang beses sa maghapon.

7. Magpakulo ng isang kutsaritang cumin seeds sa isang tasa ng tubig. Ibabad ito ng limang minuto bago salain. Inumin ang tsaa sa umaga bago kumain.

vuukle comment

ACID REFLUX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with