Pinagbibintangan ng Tiyuhin

Dear Vanezza,

 Ako po si Charity lagi po akong inaapi ng tiyuhin ko, wala raw po akong magawang matino. Minsan pang pinagbintangan niya akong nagnakaw sa kanya ng pera ngunit hindi naman po ito totoo. Anim po kami na pinapaaral niya lahat po kami magpipinsan na nasa poder niya. Ano po ba ang gagawin ko? - Charity

Dear Charity,

Ipaliwanag mo sa kanya ang totoo dahil karapatan mong ipagtanggol ang iyong sarili. Patuloy kang gumawa ng tama at maging masipag sa iyong pag-aaral. Para hindi habang panahon ay umaasa ka sa ibang tao. Kapag nakatapos ka ng pag-aaral ay makakatayo ka na sa sariling mong mga paa. Pero huwag kang magtanim ng galit sa iyong tiyuhin, bagkus ay gawin itong hamon sa iyong buhay.

 

Sumasainyo,

Vanezza

 

Show comments