BURP FACT
Bakit nga ba “napapaiyak” tayo ng mga sibuyas? Puwera na lang kung manhid at bato ka na ha! Hahahaha.
Pero naisip n’yo nga ba kung bakit nakakapagpaluha ng mata ang sibuyas? Ito’y dahil ‘pag hiniwa ang sibuyas, nabi-break ang cells nito at naglalabas ng enzymes. Ang enzymes na ito ay may reaction sa sulfur (nag-a-absorb ng sulfur mula sa lupa ang sibuyas) at nabubuo ang amino acid sulfoxides.
At dahil sa chemical reaction nito ay mabubuo ang highly unstable syn-prpanethial-S-oxide, na kombinasyon ng sulfuric acid, sulfur dioxide, at hydrogen sulfide. Kapag ang substance na ito ay nasa gaseous state at nagkaroon ng contact sa moisture ng ating mata, magti-trigger ang burning sensation sa ating ciliary nerve. Ito ang magpapaluha sa ating mata.
Nakakahilo ba? Hahaha, pero para maiwasan ang pagluluha, magbukas ng gripo na may hot water para magkaroon ng steam. Ang steam na ito ang kokontra sa singaw mula sa sibuyas. Burp!
Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe
na gustong ibahagi, maaaring mag-email
sa burpnikoko@gmail.com