Bawang Pang-iwas sa Cancer

Burp Fact

Marami ang may ayaw ng amoy ng bawang dahil sa tapang nito. Pero may iba gustung-gusto itong kainin hindi lang dahil sa lasa kundi sa rami ng benebisyong nakukuha rito.

Alam n’yo ba na ang pagkain ng dinikdik na bawang ay nakaka-neutralize ng free radicals dahil sa allicin na nakapag-iiwas ng heart attack at stroke. Nabubuo lamang ang allicin kapag dinikdik ang bawang. Ang pagkain din ng dinikdik na bawang ay nakaka-relax ng blood vesel ng hanggang 72% at mabilis na nakabababa ng blood pressure.

Maganda rin na pang-iwas sa sakit na sipon ang bawang. Ayon sa ilang pag-aaral halos 2/3 ng mga kumakain ng bawang ay hindi halos nagkakasipon. May sulfur compounds din ang bawang na nakaka-stimulate ng immune system para harangin ang cancer cells. Burp!

Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa burpnikoko@gmail.com

Show comments