Tips Para sa Mas Matambok na Boobs
Importante sa kababaihan ang kanilang panlabas na hitsura kahit pa madalas nating naririnig na “beauty is in the eye of beholder” at “hindi nakikita sa panlabas na hitsura ang tunay na ganda kundi sa pag-uugali.”
Tama naman ang mga nasabing kasabihan pero hindi ba’t mas mainam kung maganda ka rin sa panlabas?
Tatalakayin natin ngayon ang dibdib ng kababaihan dahil sa kolum na ito ay madalas napopokus ang mukha.
Hindi maiiwasan na hindi lumawlaw ang boobs dahil sa katandaan o sa panganganak pero huwag mag-alala dahil kahit gaano pa kalaki ang inyong ‘hinaharap’ ay maraming paraan para ito ay tumambok.
Narito ang ilan:
1. Malamig na tubig – Nakatutulong ang pagligo sa malamig na tubig para mas maging firm ang inyong boobs. Kung hindi n’yo naman kaya ay pwede n’yo na lang pahiran ng malamig na towel ito.
2. ‘Wag kukuba – Nawawalan ng importansiya ang inyong dibdib kapag kayo ay kumukuba dahil nagmumukha itong maliit. Idiretso ang inyong likod dahil maganda rin ito upang ma-improve ang inyong posture.
3. Mamili ng tamang bra – ‘Wag piliin ang mga bra na nagbibigay ng pressure sa inyong boobs. Dapat kayo ay relax pero naaalalayan ng tama ang inyong boobs.
4. Gumamit ng sportswear kapag nag-eehersisyo – Maaaring may masirang soft tissue kung hindi gagamit ng sportsbra kapag nag-eehersisyo.
- Latest