Research sa Inyong Destinasyon

Patuloy na magbasa sa lugar na pupuntahan. Huwag tumigil na mag-research sa Internet ng pinaplanong bibisitahin na tiyak na makakara­ting ka rin doon. Para lalong ma-excite sa iyong future trips.

Magsaliksik ng inyong destination sa online, upang mapalawak ang kaalaman, sa kanilang kultura, at mga bagay na hindi dapat gawin, damit na puwedeng suotin. Alamin ang season at panahon ng bansang pupuntahan.

Para pagdating sa lugar ay nakahanda na sasabak sa spring, fall, summer, o baka winter time. Maging sa damit, sapatos, coat, o dress na maaaring bitbitin sa inyong maleta.

Mas maraming research ay mas alam mong wala kang sasayanging oras o panahon mula sa magpa-book pa lang ng flight sa iyong exciting na journey na gagawin.

Show comments