Pinakamalaking isla

Ang Greenland ang pinakamalaking isla sa buong mundo. May sukat itong 840,000 square miles. Ang sukat nito ay pinagsama-samang tatlong Texas.

Lahat ng gondola (bangka) sa bansang Italy ay dapat kulay itim. Mga taong may mataas na posis­yon lamang sa gobyerno ang sumasakay sa gondola na may ibang kulay.

Walang disyertong matatagpuan sa Europe.

Ang French ang opis­yal na lenggwahe ng England sa loob ng 600 years.

Walang ahas o kahit na anong uri ng reptile sa Antactica.

Apat na beses na mas maalat ang tubig sa Great Salt Lake of Utah kesa sa ibang dagat.

Ang watawat ng Pili­pinas ang tanging watawat sa buong mundo na iwinawagayway kapag may kapayapaan at giyera. Asul ang nasa itaas kapag kapayapaan samantalang pula naman kapag may state of war.

Show comments