Hangover ang naidudulot ng sobrang pag-iinom. At hindi biro ang pagkakaroon nito.
Mabilis na heartbeat, anxiety, pananakit ng katawan, pagkahilo, pananakit ng ulo, sensitivity sa malakas na ingay, irritability, pananakit ng tiyan, at pagsusuka ang ilan sa nararanasan ‘pag may hangover.
Oras lang ang makapagpapagaling nito pero may ilang paraan para maibsan ang hangover.
1. Uminom ng maraming tubig para ma-flush ang alcohol sa katawan.
2. Uminom ng isang basong mainit na tubig na may halong 2 kutsaritang fresh lemon juice at 1 kutsaritang honey pagkagising na pagkagising.
3. Kumain ng toast with egg. Nakatutulong ang itlog at carbon sa nasunog na tinapay na ma-filter ang toxins sa katawan.
4. Uminom ng isang basong tomato juice na may halong 1 kutsarang lemon juice at honey.
5. Kumain ng 2 saging kinaumagahan pagkatapos uminom ng alak.
6. Ngumuya ng ilang piraso ng luya.
7. Ngumuya ng dahon ng peppermint sa maghapon.