Hindi magandang tingnan ang stretch marks sa katawan na dulot ng pagbubuntis. Pero hindi lang ito ang rason ng pagkakaroon ng stretch marks. Maaari rin itong makuha sa biglaang pagdagdag ng timbang o pagpayat, heredity factors, stress at pagbabago sa physical conditions. Narito ang ilan sa natural na pagresolba sa stretch marks.
1. Magpahid ng castor oil sa stretch marks at marahang masahihin ng paikot sa loob ng 10 minuto. Balutan ito ng manipis na cotton cloth. At gamit ang mainit na water bottle o heating pad, patungan ito sa loob ng kalahating oras. Ulitin ito araw-araw sa loob ng kalahating buwan.
2. Direktang pahiran ng aloe vera gel ang apektadong parte ng balat. Iwan ng 15 minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig.
3. Mag-whip ng puti ng 2 itlog gamit ang tinidor. Pahiran ng egg whites ang stretch marks at patuyuin bago banlawan ng malamig na tubig. Lagyan ng olive oil para ma-moisturize ang balat. Uliltin ang proseso sa loob ng dalawang linggo.
4. Maghalo ng magsindaming cucumber juice at lemon juice. Ipahid ito sa stretch marks.
5. Maghalo ng isang kutsarang asukal at kaunting almond oil at ilang patak ng lemon juice. Ipahid ito sa stretch marks at kuskusin ng ilang minuto bago maligo. Gawin ito sa loob ng isang buwan.
6. Maghiwa ng medium-sized na patatas sa makakapal na hiwa at ikuskos sa stretch marks ng ilang minuto. Patuyuin ang potato juice sa balat bago banlawan ng maligamgam na tubig.
7. Uminom ng dalawang baso ng tubig ilang beses kada araw. Siguruhing makaka-8 baso sa maghapon. Iwasan ang pag-inom ng kape, tsaa, at soda.