Anak ‘Di Makuha ni Nanay sa Adik na Tatay

Dear Vanezza,

Naiinis ako sa dati kong asawa dahil na-brain wash niya ang anak ko. Kaya raw kami naghiwalay ng tatay niya ay dahil may iba akong lalaki.  Pero ang totoo ay hindi ko na nakayanan ang pangbubugbog niya sa akin. Five years old lang ang anak ko na hindi ko makuha sa mister ko dahil sa takot ako sa puwedeng mangyari. Isang adik at sobrang insecure ang asawa ko na laging naghihinala tuwing aalis ako ng bahay. Paano ko ba makukuha ang anak ko sa  tatay niya na laging malakas ang tama dahil sa shabu? – Jeziel

Dear Jeziel,

Mas magandang mag-report ka sa Department of Social Welfare and Development o DSWD para matulungan ka sa iyong problema. Dahil may kapangyarihan silang gawan ng paraan ang problema mo sa tulong na rin ng inyong barangay. Habang maaga pa para maisalba ang iyong anak. Maaari pa nilang matulungan ang asawa mo na ipasok sa rehab dahil sa kanyang pagdodroga.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments