Dapat na saluduhan ang bawat kababaihan na buong pusong naglilingkod para mapagaan at mapaganda ang buhay ng mga anak, pamilya, at komunidad.
Ang mga nanay na siyang ilaw ng tahanan na nagbibigay ng init at totoong pagkalinga at inspirasyon sa tagumpay ng bawat miyembro ng pamilya. Sa mga guro bilang pangalawang magulang na ang passion ay turuan at hubugin ang mga estudyante. Sa mga bagong kabataang babae na nagtatrabaho na nagsisimula ng magandang impluwensiya at positibong adhikain sa lipunan. Sa mga lola na nagsisilbing lakas at pagmamahal na laging humihikayat sa mga anak at apo na gumawa pa ng maraming kabutihan.
Sa lahat ng mga babae na sumasagot sa tawag ng kanilang tungkulin sa kalsada, opisina, ospital, at tahanan na walang hinihinging kapalit ay binibigyan ng pagpupugay sa kadakilaan ng mga kababaihan.