Kambing Best Friend ng Delivery Driver

Grabe na ‘to!

Maraming klase ng pagkakaibigan hindi lamang sa magkaibang kasarian, edad, relihiyon, at lahi. Mayroon ding kakaibang pagkakaibigang nabubuo minsan sa pagitan ng tao at hayop.

Isang 18 taong gulang na kambing na nagnga­ngalang Pearl at isang UPS driver ang nagkaroon ng kakaibang pagkakaibigan.

Ayon sa nagmamay-ari kay Pearl na si Stephanie mula sa The Gentle Barn, ay laging nagmamadali ang kambing na si Pearl na huminto sa tabi ng truck kapag humihinto ito tuwing umaga. Kadalasang naghihintay si Pearl sa may pintuan ng truck habang nagde-deliver ng mga package ang driver. Pero minsan naman daw ay komportableng-komportable itong umaakyat na sa bus at nakikipaglaro na sa driver.

Bilang ganti sa pakikipagharutan nito ay binibigyan si pearl ng peanut butter treats ng nasabing driver.

Nakatutuwa ang mga ganitong pagkakaibigan lalo na sa pagitan ng isang tao at isang hayop.

Show comments