May oras na hindi maiwasan na isinusuot agad ang biniling T-shirt o damit kahit hindi pa nalalabhan galing sa mall o store.
Inaakala ng lahat na bago at malinis pa ang biniling blouse o damit. Pero ayon sa pag-aaral ng New York University, ang bagong biling pantalon, jacket, at ilang clothing items ay kontimenado ng mga chemicals at dyes na nakakairita sa balat at inuugnay sa ibang health issue. Kahit ang insekto at lisa ay naipapasa sa bagong damit. Hindi alam ng publiko na ang proseso ng textile ay dumaan sa bleaching, sizing, dying, straightening, shrink reduction, stain and odor resistance, fireproofing, mothproofing, at para hindi agad magusot na maging presentable ang damit.
Payo ng mga experts na labhan ang damit bago isuot. Maghugas din kamay pagkagaling sa shopping dahil hindi namalayan na maraming chemicals na ang dumaan sa inyong mga kamay.