Kondisyon ng Penis (3)

Hindi lang ang inyong kalusugan ang dapat pangalagaan, dapat ding nasa kondisyon lagi si ‘manoy.’

Basically, kung healthy ka, makikinabang ang iyong sexual health.

Ngunit may mga bagay na dapat isaalang-alang para mag-function ng maayos si ‘Manoy.’

Kailangang mag-maintain ng healthy weight para maiwasan ang fat deposits na maaaring makabara sa ugat na makakaapekto sa erection; at kailangan ding kumain ng healthy at natural na pagkain para maiwasan ang mga plaque deposits na maaari ring makabara sa blood vessels na puwedeng makaapekto sa function ni ‘Manoy.’

 Kailangan ding bawasan ang stress at hangga’t maaari ay iwasan ito.

Ang stress ay nagiging sanhi ng pagre-release ng hormones adrenaline at cortisol.

Ang adrenaline ay nagpapasikip ng blood vessels na nakakaapekto sa erections. Kung nakararanas ng “performance anxiety,” ito ay dahil sa pagre-release ng adrenaline na siyang naging res­ponse sa nerbiyos.

Ang sobrang  cortisol secretion ay nakakapagpalakas kumain na nagiging dahilan ng nakakasira sa figure na bilbil. (source: http://www.privategym.com/)

 

Show comments