Isa sa mga problema sa bahay ang mga pintuang hindi maisara nang maayos. Bukod sa maingay ito ay nagmamarka at nagdudulot ng mga gasgas hindi lang sa sahig kundi sa door frame. Gamit ang pang-shave ng pintuan maaari itong tapyasan.
Para malaman kung saang parte ang dapat tapyasan at kulayan ng colored chalk ang loob ng door casing at isara ito.
Malalaman n’yo kung saan ang eksaktong parte na dapat bawasan dahil magmamarka ang colored chalk.
Kung masikip naman ang hinges ng mga pintuan, pahiran ito ng petroleum jelly kaysa sa oil dahil mas malinis ito at hindi magtutulo ang oil.
Bukod sa petroleum jelly, maaari ring gumamit ng kandila. Ikuskos lang ang kandila sa door hinges hanggang maging madulas ito.
Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto maraming paraan!